Posts

KAHALAGAHAN NG PAGLULUTO

Image
             Ang pagluluto ay mahalaga ito ay higit pa sa isang simpleng gawain sa kusina.Ito ay isang pundemental na nakasanayan na may mahahalagang implikasyon sa ating buhay,sa komunidad at syempre sa ating mundo mula sa pagbibigay ng sustansya sa ating katawan Hanggang sa pagpapalakas ng relasyon.Ang pagluluto ay nag-aambag sa ating kabuuang kagalingan sa maraming paraan,sa blog na ito ay ating tatalakayin ang mga mahahalagang bagay o aspeto ng pagluluto at mga dahilan kung bakit kailangan nating alamin at pahalagahan. Una ang pagluluto ay may malaking epekto sa ating kalusugan at nutrisyon,kapag tayo ay nagluluto,kontrolado natin ang mga sangkapna ginagamit , kaya't masisiguro natin ang kalidad at kalinisan ng ating kinakain. Pangalawa ang pagluluto ay may malaking implikasyon sa atingekonomiya,mas mura ang pagluto sa bahay kumpara sa pagkain sa labas. Pangatlo ang pagluluto ay nagpapaunlad ng ating mga kasanayan at nagbibi...